Sunday, March 11, 2012

Karanasan sa pagnenegosyo

Lahat tayo nagiisip kung panu makakapagumpisa ng negosyo gaanu man ito kaliit. Tulad nyo ako ay ganun din sa hirap makahanap ng trabaho ngayun hindi sapat ang nakapagtapos ka sa pagaaral. Di lahat ng tao ay pantay pantay sa swerte. My mga tao na mabilis makahanap ng trabaho merun naman na pudpud na ang sapatos saka pa lang makakakuha merun din naman as in walamg swerte. Ako pinili ko magkarun ng maliit na pagkakakitaan hirap ako makahanap ng trabaho. Madami na din akong nasubuka ngunit di lahat nagtagal siguro di ko pa nakita yung tamang negosyo para sa akin o talagang wala akong swerte sa negosyo kumbaga ayaw tanggapin sa sarili na akoy bigo.mahirap na masaya magka negosyo kasi ikaw lahat ang gagawa lalo na kung maliit lang ang pera mo o kaya naman wala kang kapital mapipilitan ka manghiram sa patubuoan o kamaganak mo. Kung may pera ka man baka di sumapat. Ikaw ang namimile,magbabantay, imbentaryo lahat na my mga araw o oras na walang benta o matumal lalo na kung bago ka. Yung tinatawag nila na birth pains dahil wala kapang suki o regular na bibile sa iyo. Nakaranas ako ng dalwang linggo walang benta gusto ko ng umiyak nun di ko alam kung anung problema.nakaranas din ako 28php buong araw benta ko. Sabi nga nila di na baling mababa benta wag lang zero. Masaya mamile ng mga paninda sa aliw mo e nakakalimutan mo na dapt bilhin mo at my mga oras na wala ka ng pamasahe pauwi ako nakaranas na nun. Sa pag nenegosyo madami kang matutunan mula sa pagiging masinop, makibagay sa mga tao at higit sa lahat pasensya. Ako nga e kaht pinagaralan ko na mga behavior ng tao e hirap pa din. My mga oras na sa inis mo mapapatulan mo ang customer kasi my mga customer na ang hirap bagayan masyadong mapang mata.Madaming mapupulot na aral.
My mga oras na mapapaisip ka na bakit ko pinasok ang ganitong klase dahil walang kasiguraduhan para kang ng susugal di tulad kung ngtratrabho ko my sigurado kang tatatanggapin every 15 days sa negosyo e kung anung benta yun na yun maswerte kung merun pumasok kaht 5php na kita na. Sa negosyo wala kang amo hawak mo oras mo pag nagkikita kami ng dati kong classmate sabi ko nga my maliit akong business ang reaction agad buti ka pa walang amo pero ang totoo an hirap kaya my mga oras na umiiyak ka na kaht mgtumbling ka wlang benta. My mga araw na maganda ang kita na nanaisin mo na sana araw araw ay ganun. Yung mga araw pabago bago nagiging unpredictable na sya maski yung mga negosyanteng matagal na ay nagrereklamo ng matumal my mga ngsasabi na ngayun lang sila nakaranas ng ganito merun naman na ikukumpara ang nakaraang taon. Lahat na pinagdaanan ko nakakaloka

2 comments:

  1. Hi CK, mahirap talaga mag-start ng business. Nagbisnis din ako, nalugi. Hindi match ang personality ko sa bisnis. But we learn from experiences.

    ReplyDelete
  2. Yup thats true mahirap talaga kahit nga yung hilig mo na pwedeng maging negosyo di pa din guaranty yun na magiging maganda takbo ng negosyo mo. Sabi nga nila mga kaibigan o kakilala mo ang unang market mo pero ang totoo sila ang pinakamahirap ientice na bumile. Subok pa din ulit ganun talaga yung natutunan natin dito minsan di pwedeng iapply sa susunud na negosyo

    ReplyDelete